Nadagdagan ang interes ng mga Pinoy sa katatapos lang na seventh season ng American idol dahil sa pagkakasali sa Top 12 ng Fillipino-American na si Ramiele Malubay.

Bagama't marami-rami na ring mga Fil-Am ang nakasali sa Top 24 ng nangungunang singing talent search sa Amerika, si Ramiele pa lang ang ikatlong nakaabot sa Top 12. Ang unang dalawa ay sina Jasmine Trias at Camile Velasco, na naging finalists sa Season 3 kung saan si Fantasia Barrino ang itinanghal na American Idol.

Ramiele finished ninth gaya ni Camille, habang si Jasmine ay nakaabot hanggang third place.

Sa ginanap na finale ng 7th season ng American Idol ay nasilayan muli si Ramiele nang mag-perform siya kasama ang iba pang Top 12 finalists. Una sa opening number kasama ang lahat ng Top 12 finalists; pangalawa kasama ang lima pang finalists with Donna Summer; at pangatlo ay sa huling number ng Top 12 finalists before George Michael's finale number.

Bukod kay Ramiele ay nagkaroon din ng spot number ang Filipino nurse na si Renaldo Lapuz, na naging memorable sa American Idol viewers nang mag-audition siya singing his own composition titled "We're Brothers Forever."

Bagama't unqualified si Renaldo dahil overage na siya — he's already 45 years old — ay pinagbigyan pa rin siyang mag-audition. Natuwa sa kanya ang mga Idol judges na sina Randy Jackson, Paula Abdul, at pati na ang kinatatakutang si Simon Cowell dahil sa kanyang awitin at kasuotan. Hinulaan pa nga ni Simon na magiging sikat ang original composition ni Renaldo.

Sa finale ng American Idol ay si Renaldo lamang ang nagkaroon ng solo number sa mga na-reject na nag-audition. Ang ibang rejects or "worst auditions" ay ipinakita lang sa video, samantalang si Renaldo ay nag-perform sa loob ng Nokia Theater sa Los Angeles, California gaya ng Top 12 finalists at ang mga naging guest performers gaya nina Donna Summers, Brian Adams, Seal, Jonas Brothers, Graham Nash, ZZ Top, OneRepublic, Jordin Sparks, Carrie Underwod, George Michael, at iba pa.

Acapella ang intro ni Renaldo sa signature song niyang "We're Brothers Forever" pero sinabayan siya ng isang buong school band sa kalagitnaan. Umakyat din sa stage sina Randy at Paula pati na ang host na si Ryan Seacrest para samahan ang Idol reject, na nakasuot ng kanyang trademark costume.

But the night truly belonged to the two Davids—David Cook and David Archuleta—na siyang naglaban para sa titulong American Idol. In the end, nanaig si David Cook na mahigit 12 million votes ang lamang sa 17-year-old na si David Archuleta. - Philippine Entertainment Portal