Pumirma na si KC Concepcion ng kontrata sa GMA Films para sa Valentine movie nila ni Richard Gutierrez. At dahil ito ang unang pagkakataon na nakatapak si KC sa bakuran ng Kapuso network, hindi napigilan ng ilang press people na itanong – posible kaya na si KC ang susunod na “Darna?"
Kasama kasi sa plano ng GMA 7 na sabay paliparin sa primetime sina “Darna" na ginampanan noon ni Angel Locsin at si “Captain Barbell" na dating ginampanan ni Richard.
Minsan na rin nagpahayag si Mega Star Sharon Cuneta na gusto niyang mag-Darna ang kanyang magandang dalaga na si KC.
“Kung Ok lang kay Chard?," tugon ni KC sa tanong ng media sa posibilidad na siya ang maging “Darna."
“That will be a dream come true," sagot naman ng aktor.
Aminado si KC na kabado siya sa unang pagtapak sa bakuran ng GMA network. Ngunit ang kaba ay napalitan ng excitement dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga top executives ng Kapuso network.
Magkasama sina Richard at KC na pumasok sa Executive Board Room sa 16th floor ng GMA Network kung saan ginawa ang contract signing. Dito ay mainit na welcome ang ibinigay sa kanya ng top executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Abrogar, Joey Abacan, at Noel Ferrer.
Kasama rin sa contract signing si Direk Joey Javier Reyes na madidirek ng Valentine movie nina KC at Richard na may working title “When I Met You."
Dahil mismong si Direk Joey ang nagbigay ng katiyakan na magiging “very sweet" ang gagawin nila movie, hindi maiwasan na biruin kung magkahulugan ng loob sina Richard at KC.
“I’m not closing my door or anything…lets see what will happen… we'll take it step by step," ayon kay Richard.
“We gonna have fun. We gonna rock and roll," tugon naman ni KC.
Pero ano kaya ang pinakagusto ni Richard na parte ng katawan ni KC? At si KC kay Chard?
“Eyes and lips," sagot ni gwapong aktor. “Eyes and lips," tugon naman ni KC. - Fidel Jimenez, GMANews.TV